Tuesday, April 28, 2015

Secretly Dating #SDRelateMuch Corner

Huehue, guys! At dahil love na love ko sina Aryen at David, at dahil love niyo rin ang kwelang story nila ay naisipan kong gumawa ng tribute for them. Miss ko na kasi sila, eh! huehue.

Miss niyo din ba sila?

If yes, i-huehue na yan!

Natutuwa ako kasi marami na ang naiinspire sa story nina Aryen at David--I really didn't expect na aabot ito ng more than 19k reads! Akala ko kasi walang nagbabasa ng Christian Romance slash Comedy. Pero akala ko lang pala! Asyumera din ako minsan, huehue!

Ano ba ang meron dito?

Guys, if natuwa ka rin sa story nina Aryen at David, i-huehue mo na yan! Di, joke lang. Ano ba talaga? Well, pasyensya na, gusto ko lang talaga marinig at mabasa ang FEEDBACK niyo about sa story. Gusto ko din mabasa if saan sa story KAYO NAKAKARELATE.

Yes po, hastag relateMuch tayo dito.

If isa ka sa readers na nakakarelate sa Secretly Dating!, sana ishare mo sa amin kung saang part ka nakakarelate, at kung ano ang natutunan mo sa story nila. May realizations ka ba? Insights? Suggestions? Violent reaction? I-huehue mo na yan sa comment section!Huehue.

If you feel #SDRelateMuch sa story nina Aryen at David, feel free to communicate with us below! Para na rin mabasa ng ibang readers kung ano ba ang natutunan mo sa SD. Okay lang na "anonymous" ka, wala namang pilitan kung ayaw mong sabihin ang buong name mo. Ang importante ay ma-share mo din sa ibang tao ang mga natutunan mo sa SD!

Eggsoyted much na ako sa #SDRelateMuch niyo! (credits to @Blemisheart16 sa eggsoyted niya! huehue)

Aabangan ko ang #SDRelateMuch corner niyo! I-comment niyo lang sa baba!

Huehue.

Kbye.

Godbless.

David and Aryen

Kuya Grey

Ate Clarice



I am a Wattpader!

Alam mo ba kung ano ang Wattpad? Siguro oo, siguro hindi. It's a famous reading/writing platform na patok na patok sa buong mundo, bata man o matanda. And yes, I'm a certified user of Wattpad.

At first, reader lang talaga ako dun hanggang sa naengganyo ako ng kaibigan ko na ipublish ang stories ko sa Wattpad. May mga stories na din akong nagawa noon pa man, pero hindi ko lang pinapabasa sa iba. Kaya naman ng maengganyo ako sa Wattpad, sinubukan ko na ring magpublish dun ng stories. And I become addicted to it.
"I am a Wattpader!"
Yan ang slogan namin sa signature tshirt namin para sa aming Wattpad Meetup dito sa Dakbayan ng Dabaw. Opo. Hindi lang ako nagsusulat sa Wattpad, sumasali na rin ako ng mga meetups sa aming Dakbayan. Huehue. Sa katunayan, may balak kami ng kaibigan ko pumunta sa Manila this coming September, may MIBF kasi -- Manila International Book Fair. 


Yesness, ganyan na ako kainlab sa Wattpad. Huehue. Marami kasi akong naging kaibigan at nabasang stories na may napupulutang aral. At naiinspire din ako kasi yung mga readers ko ay naiinspire din sa mga nagawa kong stories, especially when it comes to Christian Romance/Comedy.

Ngayong May 9, 2015 ay gaganapin ang Davao Wattpad Meetup sa Villa Margarita Hotel, JP Laurel Avenue, Bajada Davao City. Isa ako sa mga admins ng organizer, si Eunice, ang napakakwelang mommie ko. Sana sa susunod na meetup ay kasali na din kayo! I especially want to meet my readers din! Huehue.


Monday, April 27, 2015

I Hear Your Voice


English Title: I Hear Your Voice
Korean Title: Neoui Moksoriga Deulryeo
Filipino Title: Naririnig Ko Ang Boses Mo
Date of Released: June 5 to August 1, 2013
Episodes: 18

Isa ito sa mga paborito kong Koreanovelas. At sa lahat ng paborito ko, ang I Hear Your Voice ang pinakagusto ko sa lahat, lagi ko 'tong binabalik-balikan. Pinalabas 'to sa Korea in 2013, that's two years ago na! And yes, hanggang ngayon ay bukam-bibig pa rin 'to sa ilang manunuod. Lalo na ako.

Ang I Hear Your Voice ay isang kwento ng isang babaeng abogada, isang gwapong teenager na may kakayahang bumasa ng iniisip, isang dating police na naging abogado, at ng isang prosecutor na may pinagsisihang nakaraan. It's not all about love or fighting for what you believe, but it's also about one's career and decisions in life. Marami kang matutunan sa estoryang 'to lalo na pagdating sa buhay ng mga abogado, kriminal, at ng mga nabibiktima.

Plot

Si Jang Hye Sung (Lee Bo Young) ay biktima ng masalimuot na buhay, mahirap lamang ang kanyang pamilya at naninilbihan sa isang kilalang judge sa Korea. Malipas ang ilang taon, naging abogada rin siya sa tulong ng kanyang ina at pagpupursige na rin sa buhay. Siya ay naging isang public defender. Okay na sana ang lahat maliban sa kanyang ugali--praktikal, self-preserving, tamad, at walang gana sa kanyang profession. Nagbago lamang ang lahat ng makilala niya si Park Soo Ha (Lee Jong Suk)--isang high school senyor na may abilidad na bumasa ng pag-iisip ng tao sa tuwing tinitingnan niya sa mga mata, at si Cha Gwan Woo (Yoon Sang Hyun) na dating police at ngayon ay isa ring abogado. 

Nakuha ni Park Soo Ha ang kanyang "reading abilities" matapos niyang masaksihan ang murder case ng kanyang ama--pinatay ito sa harapan niya mismo sampung taon na ang nakararaan. Inakala ng lahat noon na dulot lamang ng car accident ang pagkamatay ng kanyang ama, hanggang sa tumestigo si Jang Hye Sung (high school pa siya noon) as witness sa intensyon ng kriminal na si Min Joon Gook na patayin ang biktima. Dahil sa testimonya ni Jang Hye Sung, tuluyang nakulong ang kriminal. Sa galit ni Min Joon Gook, pinangakuan niya si Jang Hye Sung na papatayin niya ito sa oras na makalabas siya sa bilangguan.

Ever since then, palagi nang hinahanap ni Park Soo Ha si Jang Hye Sung upang tuparin ang kanyang pangako na poprotektahan niya ito mula sa kriminal. 

Characters

Jang Hye Sung
Park Soo Ha

Cha Gwan Wo
Seo Do Yeon