Tuesday, April 28, 2015

I am a Wattpader!

Alam mo ba kung ano ang Wattpad? Siguro oo, siguro hindi. It's a famous reading/writing platform na patok na patok sa buong mundo, bata man o matanda. And yes, I'm a certified user of Wattpad.

At first, reader lang talaga ako dun hanggang sa naengganyo ako ng kaibigan ko na ipublish ang stories ko sa Wattpad. May mga stories na din akong nagawa noon pa man, pero hindi ko lang pinapabasa sa iba. Kaya naman ng maengganyo ako sa Wattpad, sinubukan ko na ring magpublish dun ng stories. And I become addicted to it.
"I am a Wattpader!"
Yan ang slogan namin sa signature tshirt namin para sa aming Wattpad Meetup dito sa Dakbayan ng Dabaw. Opo. Hindi lang ako nagsusulat sa Wattpad, sumasali na rin ako ng mga meetups sa aming Dakbayan. Huehue. Sa katunayan, may balak kami ng kaibigan ko pumunta sa Manila this coming September, may MIBF kasi -- Manila International Book Fair. 


Yesness, ganyan na ako kainlab sa Wattpad. Huehue. Marami kasi akong naging kaibigan at nabasang stories na may napupulutang aral. At naiinspire din ako kasi yung mga readers ko ay naiinspire din sa mga nagawa kong stories, especially when it comes to Christian Romance/Comedy.

Ngayong May 9, 2015 ay gaganapin ang Davao Wattpad Meetup sa Villa Margarita Hotel, JP Laurel Avenue, Bajada Davao City. Isa ako sa mga admins ng organizer, si Eunice, ang napakakwelang mommie ko. Sana sa susunod na meetup ay kasali na din kayo! I especially want to meet my readers din! Huehue.


No comments:

Post a Comment